Wednesday, August 10, 2005

Kwentong XS: The Boy Who Lived

*Note: Kung sino man tinutukoy ko dito, walang personalan, i'm just telling what happened*

Nalimutan ko na kung pang-ilang quarter nagkaroon kami ng swimming sa PE. Since feeling strong nanaman ako, sinadya ko na mapunta ako sa advance na swimming, kung alam ko lang gano ka hirap hindi na ako sana pumunta sa advanced group ng class. But ang kwento na ito ay hindi tungkol sa akin, its about one of my classmate na palaging minamalas. Hindi rin clear ang entire story na ito sa akin dahil nung time na iyon naiwan ko ata PE bag ko or nagloloko ako sa deep pool. Kung tutuusin hindi ko nakita ang nangyari, nakwento lang sa akin ng isang kasama namin. This is how it happened:
Habang naglalangoy siya, nagsisid siya... and since maiksi lang ang width ng pool kaya ito gawin sa isang breathing. for some reason habang naka sisid siya nakapikit ang kaniyang mga mata, so nung malapit na siya sa kabila *poof* nabangga siya sa gutter ng swimming pool. minutes later nadala na siya sa infirmary ata para makita yung injury.

The next day, may malaking bandage siya sa bibig and a few days later tinanggal na niya iyon. nung nakita ko yung sugat or "mark" sa bibig niya medyo familiar itsura sabi ko sa sarili. then it struck me, kamukha nung kay Harry Potter, as in mukhang lightning talaga.

A few weeks later, pakiramdam ko nakarma ako sa ginawa ko. since tapos na ang practical test namin, free time kaya pwede namin gawin kahit ano gusto namin sa pool wala lang "rough games". at first everything was going ok, pero later naghahabulan na ang mga kaklase ko. nung time na iyon, nakaupo lang ako sa may gutter area dahil pagod na ako sa kakalangoy then bigla akong tinulak. napaikot ako once, tumama sideways sa gutter at nahulog sa pool. at first hindi ako makalangoy sa sakit at akala nila malulunod na ako, so they jumped to the rescue kaagad. pagtingin ko sa tama, nagmukhang hinampas ako ng arnis stick sa rib area as in parang merong internal bleeding. being the good friend hindi ako chu-chu so its alright, no biggie.

Quote of the Day:
there is always beauty in simplicity.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home