Thursday, August 04, 2005

Kwentong XS: Hindi Ako Tanga!

Nangyari ito nung 4th year na kami. tendency, ang tambayan namin either nasa MPC banda or nasa "alley". one day dahil wala kaming magawa napatitig kami sa bush na nakahilera sa alley. for some strange reason, at hindi ko na talaga maalala kung paano namin ito naisip, napag-isipan naming tumalon sa bush. not the typical jump pero yung parang stunt na meron pang tumbling. as usual nauna sa amin si glenn, also known as the boy who lived(malalaman ninyo why in the succeeding stories), and yes successful siya with his jump and tumbling. sumunod sa amin si gar and yes successful rin siya. nung time na yun apat lang kami nasa alley, si glenn, gar, ako at si sanvic. since feeling strong ako, ginawa ko rin ang ginawa nila. ngunit there is always a difference between strong and feeling strong. so nung tumalon ako at first ang cool ng feeling pero pagkalanding ko hindi ko nagawa yung tumbling kaya nagasgas ako sa lupa... to help you visualize think of a jet ski, sa tulin ng jet ski medyo tumatalon yun sa tubig, parang ako nung naglanding ako. at first ok lang ako, but after 10 mins pakiramdam ko na gut punch ako ng ilang tao. with 3 of us done with our stunt, iisang tao na lang ang natitira.. si sanvic na lang ang hindi tumatalon. nung lahat kami nakatitig na sa kaniya, humihintay sa gagawin niyang talon ito ang mga famous words niya na hindi ko talaga malilimutan.. "hindi ako tanga". with that statement, nakatakas siya sa kaniyang stunt and now nagagamit ko na ang statement niya each time alam kong:
1. may hamon na hindi ko kaya panalunin.
2. may gagawing katarantaduhan na ayoko madamay.
3. and lastly kung may nalinlang sa isang kalokohan.

Quote of the Day:
life is like a wave of dream.. so soon they come gushing into the shore, so soon they gush out back into the abyss.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home