Monday, August 22, 2005

LiveSTRONG…Floating Shrimp Shells…Walking down all the way to 7/11…

Today nalimutan ko dalhin ang aking dakilang ID. Napansin ko lamang ito nung nasa Ateneo na kami. In desperation, naghiram ako ng strap sa ate ko just in case para naman meron akong props. The way I see it… bagay dahil meron pa akong baller band na suot suot at ang nakasulat pa ay LIVESTRONG. So I took it literally, I tried to live strong by avoiding the guards as much as I can, and natutuwa akong sabihin na hindi ako nahuli. But hindi ko pa rin matatalo ang record ng friend ko… 1 month walang ID at once lang nahuli, now that is living strong!!!
Habang naglalakad na ako papunta sa Gate 1 ng Ateneo, dahil sabi ng mga friend ko na uulan ng malakas at baka maabutan ako, napansin ko kung gaano kainit today. Nagdududa na ako kung uulan ba talaga and it was at that moment na nakakita ako ng mga balat ng hipon na lumulutang sa puno. Naaliw ako grabe, ang tigas nung mga langgam, binubuhat nila yung balat pataas. Medyo nakakakilabot pero aliw pa rin tingnan…
Pagkadating ko sa station, inisip ko kung gagana pa ba ang aking card dahil for some reason na switch ko ata. Pagkasaksak sa machine *beep* bad trip nag error… ibig sabihin na switch ko nga at hindi miracle ang nangyari tulad ng inaakala ko. Kinailangan ko pang magbili ng bago, but that’s that. On my way home, napag-isipan kong maglakad pauwi, wala lang, trip lang. Ok naman ang daanan, hindi ganiyan ka dangerous tulad ng naglalakad ng mga 1am at sa tapat ng tulay ay may mga taong nakatitig sayo at may hawak-hawak na crowbar at machete(to be explained next time). Habang naglalakad ako, for the first time napansin ko ng mabuti yung worn down, mukhang haunted house sa kanto ng broadway at 11th street. Grabe first time ko napansin na meron pa pala yun art ng mga priest sa taas ng pinto, may guard outpost (yung kamukha ng sa castle) at may gargoyles sa side ng roof… so after walking for around 20 min. nakarating rin ako sa amin. Medyo pissed ako na ang init ng journey ko pauwi but later I realized na maswerte pala ako. After a few minutes as in iilang saglit lamang it started to rain at sumilang kumidlat at kumulog… nonstop. Para dun sa mga nagbabala sa akin na umuwi na, maraming salamat… kahit ako hindi ko kayang i LIVESTRONG ang ulan na ganon ka lakas.

Quote of the Day:
God makes things happen for a reason, maybe that is the reason why I met you.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home