Tuesday, January 31, 2006

Walking down rainy nights

Paminsan hindi kong mapigilang biglang tumahimik at magmuni-muni sa mga iba't ibang pangyayari sa isang araw. Marahil isa na ito sa aking mga habit. Ngayon, naaalala ko ang mga gabing naglalakad ako mag-isa, pauwi mula sa paaralan... Nababagabag ako sa mga pangyayari na nakapagpalungkot sa akin o para sa aki'y nararapat pahalagahan at bigyan ng pagmuni-muni.

Naaalala ko kamakailan lang, nais ko sana sumakay sa shuttle pauwi dahil pagod na ako sa kakalakad. habang papunta sa Xavier Hall kasama isang kaibigan, may tumawag sa aking cellphone. Sinagot ko at narinig ang tinig ng aking bunsong kapatid. Problemang nakaraan na ang paksa ng usapan namin... Problemang noon ko pang inasikaso. Nang tumagal ang usapan, sinabi ko na ibigay ang telepono sa aking nanay. Hindi ko matanggap sa usapan namin na pinagagalitan niya ako dahil hindi ko sa kaniya pinaalam na hanggang Enero ang huling singil ng gym. Pinaalam ko sa kaniya na noon ko pa sinabi ang tungkol dito, ngunit napagalitan pa rin ako. Buong Enero ni isang beses hindi ako nakapag gym. May mga panahon na nais kong pumunta at mag-ehersisyo ngunit wala talaga akong oras, maraming ginagawa sa paaralan. Oo, tanggap ko na mali nga at nagsusunog ako ng pera, pera ng aking inay. Bago niya babain ang telepono, naramdaman ko na sa tono na pagagalitan ako muli pagkarating ko sa aming bahay.

Naglakad ako pauwi, sa patak ng ulan, sa mga patak ng kalungkutan. May hawak hawak akong payong noong mga oras na iyon ngunit pinili kong maglakad sa ulan. Siguro mas pinagagaan ng ulan ang aking loob, lalong hinahanda ako sa mga haharapin kong pauwi...

Nakarating ako sa amin, wala ang ngiti sa aking mukha, wala ang saya sa aking puso. Kalungkutan ang naghahari noong gabing iyon. Ang hindi ko maintindihan sa lahat, hindi binuhos ng nanay ko ang kaniyang nararamdamang galit. Kakaiba talaga ngunit alam kong mayroon siyang nais sabihin sa akin, marahil isa nanamang sermon. Pero sa mga oras na iyon, walang nangyari... Hindi na niya ako pinagalitan. Kung iisipin ko ngayon, bakit kaya't hindi na ako pinagalitan? Sawa na ba siya ka kakasermon ng paulit ulit?... Siya lamang ang may alam sa sagot. Lalo akong nalungkot sa mga oras na iyon, tanggap ko ang aking kasalanan ngunit hindi ko makayanang makitang naghihirap ang aking mga magulang dahil sa akin. Gusto kong baguhin ang aking katauhan ngunit hindi ko magawa. Alam kong kung nanaisin ko, magagawa ko kahit anong bagay, ngunit tuwing nanaisin kong baguhin ang aking sarili palagi na lang may pumipigil sa akin. Ngayon, sinusubukan kong muli magbago tungo sa masmabuting katauhan, sana lamang sa sunod mabago ko na ang sarili ko ng lubusan.

Umuulan noong gabing iyon, ngunit may apoy na nagpapainit noong gabing iyon.

Quote of the Day:
The rain may fall and wash me clean, but in the end leave me cold and weak.

1 Comments:

Blogger Bodi said...

wow darwin. so poetic ._.

and i love the quote. it makes me feel.. restless. hrmm. baka nga nasawa, baka nga she's tired of giving you sermons; just show her that you can do what you need to do, even without her prodding.

hindi ka nag-gym buong january? haay. saan ba yun? sama na ako! i havent gymned for the longest time :(

9:13 PM  

Post a Comment

<< Home