Trahediya
Legend:
Achi = Older Sister/Ate
Ahiya/Shoti = Me
Shobe = Younger Sister
Matagal-tagal ko nang iniisip kung bakit ganito kaming magkakapatid, sa labas akala mo ang babait namin... akala mo magkasundo ko kami pero sa totoo lang wala talaga kaming sense of unity. Dati pa sinasabi ng nanay namin na dapat matuto kami magtulungan, oo gusto ko nga matuto kami magtulungan pero alam kong malabo mangyari iyon.
Dati, sinubukan ko mag-open up sa achi ko pero binale wala lamang niya sinabi ko. Kung hindi ako nagkakamali, sinabi ko ng diretsuhan kung ano talaga ugali ng kapatid ko, yung ayaw ko sa ugali niya. Alam mo yung tipong sagot na pasok sa isang tenga labas sa kabila? Ganon response niya sa kin. Pag sinubukan ko namang mag-open up sa shobe ko pakiramdam ko pagtatawanan lang ako nun. Paano ba naman, sanay na kami sa mga kamalian ng isa't isa. Kadalasang hirit na nga namin e "E kasi ganon ka e" or "ganiyan ka naman e" at iba pang mga sabi sabi na ganon ang tunog. Kanina lang nanonood ako ng telebisyon, pagdating ng ate ko nag channel surf siya habang commercial, napanood siya ng The Insider habang ako nanonood ng UFC. Tapos na yung commercial break ng UFC at binalik ko na sa channel na pinapanood ko. Gusto pa rin ng achi ko manood ng The Insider dahil nakakaintriga ang mga hollywood topics ng show, pero gusto ko rin manood ng UFC. Iilang sandali lumabas na siya ng kwarto at bago pa tuluyang lumabas, narinig ko sinabi niya "ganiyan ka naman palagi e". Grabe talaga, sana naman paminsan tumingin rin siya sa salamin. May mga oras na gagawin ko talaga ang gusto ko at wala akong paki sa iba ngunit alam ko rin naman na paminsan ginagawa ko ano gusto nila, kahit na sapilitan. Nakakapeste talaga yung mga hirit na ganon, akala nila kilalang kilala mo na sarili mong kapatid pero tulad nga ng kasabihan "you haven't even begun to scratch the surface".
Kahit kailan hindi talaga namin maiintindihan ang ugali ng isa't isa. Achi ko short tempered habang shobe ko naman masyadong donya at ni isang beses hindi pa nakinig sa akin. Siguro imposible na nga mabuo ang unity sa aming mga magkakapatid pero nais ko pa ring paalamin na kahit paano mahal ko mga kapatid ko.
Meron akong gusto tawagin na outside and innerside image. Marahil outside image ko yung ma gago at walang pakialam na kapatid. Hirit nga lagi sa kin ng mga kapatid ko "bakit sa ibang tao hindi ka ganito?", siguro dahil na iyon sa outside image ko. Mahirap talaga ipakita ang innerside sa kanila e, dahil alam ko i eexploit lamang nila ito. Pero yung innerside, kakaunti pa lamang talaga ang nakakakita nito, hindi ko nga alam kung nakita na ba ito ng pamilya ko. Noong isang araw lamang, umalis kami kasama yung dating tutor namin. habang naguusap-usap kami, sinabi ko na ako yung tipong kapatid na kapag merong lalaking nagpaiyak o may ginawang masama sa kapatid ko, mag ingat ingat na yun dahil malalagot yun sa kin. Wala akong pakialam kung mas macho ba yung lalaki o mas mayaman basta... Sabi sa kin ng tutor ko, masaydo daw akong protective dapat pabayaan ko mga kapatid ko dahil "their old enough to handle themselves". Hindi ko siguro mapigilan yung instinct na protektahan mga kapatid ko. Kahit paano, kapatid ko sila at mahal ko sila. Ayokong palabasin na ako ang tama at mali ang dalawang kapatid ko. Paminsan naman talaga ako ang mali at oo aaminin ko na ibang tao ako kapag kasama ko mga kaibigan ko dahil alam ko na kaya ko talaga ipakita sa kanila kung anong klaseng tao ako. Kaya ko ipakita sa kanila ang innerside na hindi ko maipakita sa kapatid ko. Kaya ko ito gawin pag kasama mga kaibigan ko dahil alam kong hindi nilang pagtatangkang gamitin or exploit ang katauhan ko. May tiwala ako sa aking mga kaibigan dahil kung walang tiwala e di bakit ko pa sila tinawag na kaibigan? Kaya siguro noong high school meron laging tanong sa guidance "sino ang kaibigan mo na kaya mong sabihin kahit anong sikreto?"... Sana nga lang talaga sa sunod masasagot ko sa tanong na ito e " Dianne o Monica, mga kapatid ko"...
Quote of the Day
No matter how hard you try, there are somethings you can not avoid.

1 Comments:
Dar, may kasabihan yan: "You choose your friends, not your brothers." They're what God gave you, not what you chose, so talagang hindi maavoid ang mga differences na ganun. Pero I hope rin, one day, makapag-open up kayo sa isa't isa.
As for now, like your quote of the day, there are some things you just can't avoid.
Post a Comment
<< Home