Laro, Halubiro at Pagtuturo, Pagod na Masaya
Hmm… ilang taon na rin ang nakalipas noong sumali ako sa organisasyon ko sa Ateneo. Nagsimula sa isang pangako na pagpasok sa kolehiyo, gagawa ako ng isang commitment, hindi ko alam kung ano ang mapapala ko sa commitment na iyon hanggang sa nakilala ko ang mga bata na magiging mga anak ko (drama hahaha).
Nagsimula ang pagtuturo ko tuwing sabado, ngunit nahirapan ako magising kaya lumipat ako sa ibang erya sa organisasyon namin. Ang bagong erya ko ay malapit lang sa unibersidad namin at kayang-kaya icommute, kaya naman walang ng mga excuse na, “hindi ako makagising e”. Pagkasimula ko sa bago kong erya, nagulat ako kung gaano kakulit ng mga bata. . grabe ang kulit sobra. Pagkababa na pagkababa pa lang sa erya, nag si takbuhan na sila papunta sa amin at kumakapit at nagpapasampan. . Lalaki talaga ang katawan mo doon sa kakabuhat ng mga bata, hindi ko lang maintindihan kung bakit hanggang ngayon payat pa rin ako hahahah
Sa mga oras na naroon ako sa erya namin, naranasan kong magmukhang tanga sa harap nila dahil walang hiya-hiya kung kumakanta ng making melodies, maging tagaawat tuwing may nag-aaway at maging kuya tuwing nagtuturo at kung may umiiyak na bata. Mga isang oras lang kami lagi naroon pero bago matapos ang araw sobrang lamog na kami. . mas lamog pa siguro sa tortang talong. . pero okay lang, kahit paano sobrang saya pa rin ng kakaibang pagkakataon na makasama ang mga bata na iyon. Isa pa, pakiramdam ko na kahit na nagtuturo kami, wala sila masyadong natutunan. Hindi ko sila masisisi dahil mga bata sila, dapat naglalaro at Masaya sila. Pinakaimportante sa akin, kahit paano naaalala nila kami at kahit paano kung naaalala nila kami, nagagampanan namin ang tungkulin naming making Christ a living reality.
Huling taon ko na ngayon para makasama na ang mga bata sa erya ko. Hindi na ako ang kuya na nagtuturo sa kanila ngunit isa na ako sa mga nagbabantay sa mga miyembro ng organisasyon namin. Kahit ano mangyari, pinakahinahanap-hanap ko pa rin talaga ang mga panahon na nagpapasampan sila at naglalaro kami ng kung ano-anong laro.
Sa kaunting laro at kaunting halubirol, makikilala ka nila ngunit sa pagtuturo at pagmamahal, makikilala mo sila at babalik ka uli para sasunod na linggo ng erya.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home