another day, another time

Sunday, November 09, 2008

Laro, Halubiro at Pagtuturo, Pagod na Masaya

Hmm… ilang taon na rin ang nakalipas noong sumali ako sa organisasyon ko sa Ateneo. Nagsimula sa isang pangako na pagpasok sa kolehiyo, gagawa ako ng isang commitment, hindi ko alam kung ano ang mapapala ko sa commitment na iyon hanggang sa nakilala ko ang mga bata na magiging mga anak ko (drama hahaha).

Nagsimula ang pagtuturo ko tuwing sabado, ngunit nahirapan ako magising kaya lumipat ako sa ibang erya sa organisasyon namin. Ang bagong erya ko ay malapit lang sa unibersidad namin at kayang-kaya icommute, kaya naman walang ng mga excuse na, “hindi ako makagising e”. Pagkasimula ko sa bago kong erya, nagulat ako kung gaano kakulit ng mga bata. . grabe ang kulit sobra. Pagkababa na pagkababa pa lang sa erya, nag si takbuhan na sila papunta sa amin at kumakapit at nagpapasampan. . Lalaki talaga ang katawan mo doon sa kakabuhat ng mga bata, hindi ko lang maintindihan kung bakit hanggang ngayon payat pa rin ako hahahah

Sa mga oras na naroon ako sa erya namin, naranasan kong magmukhang tanga sa harap nila dahil walang hiya-hiya kung kumakanta ng making melodies, maging tagaawat tuwing may nag-aaway at maging kuya tuwing nagtuturo at kung may umiiyak na bata. Mga isang oras lang kami lagi naroon pero bago matapos ang araw sobrang lamog na kami. . mas lamog pa siguro sa tortang talong. . pero okay lang, kahit paano sobrang saya pa rin ng kakaibang pagkakataon na makasama ang mga bata na iyon. Isa pa, pakiramdam ko na kahit na nagtuturo kami, wala sila masyadong natutunan. Hindi ko sila masisisi dahil mga bata sila, dapat naglalaro at Masaya sila. Pinakaimportante sa akin, kahit paano naaalala nila kami at kahit paano kung naaalala nila kami, nagagampanan namin ang tungkulin naming making Christ a living reality.

Huling taon ko na ngayon para makasama na ang mga bata sa erya ko. Hindi na ako ang kuya na nagtuturo sa kanila ngunit isa na ako sa mga nagbabantay sa mga miyembro ng organisasyon namin. Kahit ano mangyari, pinakahinahanap-hanap ko pa rin talaga ang mga panahon na nagpapasampan sila at naglalaro kami ng kung ano-anong laro.

Sa kaunting laro at kaunting halubirol, makikilala ka nila ngunit sa pagtuturo at pagmamahal, makikilala mo sila at babalik ka uli para sasunod na linggo ng erya.

Friday, October 31, 2008

Prelude to the Finale, Formsem sickness and Back to the Gym

Natapos rin ang isang semester ng paghihirap. Mga gabing walang tulugan, at mga araw na tadtad ng problema natapos rin ang thesis… *bow*
Hindi talaga ako makapaniwala kung pano namin ng kagrupo ko natapos iyon at nakakuha ng marka na B. . Kakaiba talaga. *para sa detalye ng mga paghihirap at iba pang mga dinaanan sa thesis, magpakwento na lang dahil napakahirap ilahad ang mga pangyayari*

Kamakailan lang, naganap ang huli naming formation seminar (ACIL) sa . . hmmm. . basta lampas ng Pranjeto sa Rizal ehehe di ko maalala yung eksaktong lugar. . .
Maayos yung nagamit namin na rest house ng isang alumni ng organisasyon namin. Malamig ang hangin ngunit mainit ang sinag ng araw. . at napakaraming langaw, pero okay lang, Masaya pa rin. Napansin ko lang na tuwing nagkakaroon kami ng formation seminar, nagkakasakit ako. Sa una naming formation seminar, ako ay nilagnat. Sa pangalawa naman, nagkaroon ako ng sore eyes. Hindi ako nakapunta sa pangatlo dahil tatlong camp ang napuntahan ko nung summer vacation kaya pinagbawalan na ako. Sa huling formation seminar, nagkaroon naman ako ng sore throat. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tuwing meron kaming retreat, nagkakasakit ako. . .

Syempre dahil sem break namin, bumalik ako sa gym at natutunan ko na ang laki na ng hinina ko. . . Nakalagay sa record ng trainer ko na ang huling punta ko sa gym ay noong Hunyo pa at ngayon ay Oktubre na. . . Hindi ko na kaya buhatin ang mga nabubuhat ko dati. . pakiramdam ko ang lampa ko na sobra. . nakakabadtrip talaga hahaha. . sana bago magbalik sa pasukan, muli ko na makukuha ang dati kong lakas. :D

Sunday, September 07, 2008

Sugar Poisoning, Blood Donating and Garlic Crying

Matagal tagal na panahon na ang nakalipas noong huli akong nagsulat.. Senior na ako ngayon sa admu at hopefully makapag graduate ako kung maging maayos ang thesis(sana). Anyway, kamakailan lang, nakaranas ako ng tinatawag ko na sugar poisoning. Mapapaisip ka, ano nga ba ang sugar poisoning? Masasabi ko lang ay hindi maganda ang pakiramdam ng sugar poisoning. .

*araw bago nangyari ang sugar poisoning (friday night)*

Nung gabi bago ito nangyari, pumunta kami ng mga kabarkada ko sa gamecrab. Isa itong cafe kung saan pwede kayo maglaro ng gameboards na kakaiba, yun nga lang may bayad per hour ngunit sobrang nakaka adik ang mga laro. Balak ko sana magtipid kaya nag-order na lang ako ng bottomless iced tea at pagnatapos kami maglaro ng maaga, kakain ako sa Greenwich dahil may libreng meal ako. Napatagal ang laro at napadesisyon kong kumain na lang doon. Dalawang oras na ako umiinom ng iced tea bago ako kumain. . Bago kami matapos sa huling laro namin sobrang sabog na ng pakiramdam ko at kinabukasan pakiramdam ko may lagnat ako dahil nanginginig ako kahit na sobrang init ng katawan ko at sobra akong nahilo.. Ito ang mga epekto ng sugar poisoning. Buti na lang may lunas ito, uminom ng maraming tubig. .

*saturday*
Sa araw na nangyari ang sugar poisoning, pupunta dapat ako sa feu hospital para magdonate ng dugo dahil na dengue ang ama ng isa naming kaibigan. Pagdating namin sa hospital, nalaman ko na dadaan ka pala sa dalawang screening o interview bago ka talaga payagan magbigay ng dugo. Sa unang interview, tinanong ako ng doctor ng mga tanong at sa isang tanong, binawal na ako agad dahil nagpabunot ako ng ngipin nung nakaraang buwan. Bad trip talaga, dahil lang dun hindi ako nakapagbigay, buti na lang yung mga kasama ko approved. Habang naghihintay, nagtaka kami kung kaya ba na pagbinilisan mo yung pagpisil ng bola na ibibigay sa iyo, bibilis rin ang rate ng blood donating. Sinubukan ng isang kabarkada ko at ito ang sagot niya: posible ngunit darating ka sa punto na hihina ang pagpisil mo dahil nawawalan ka na ng dugo. . lesson learned: huwag maglaro pagnagbibigay ng dugo

*sunday*
Kanina lang nagkaroon kami ng isang dinner kasama si lola dahil grandmother's day o grandparents day ata. . Anyway, sa zensho kami kumain at ako ang nauna so nag-order na ako dahil buffet naman. Pagdating ng pamilya at lola ko, nagsimula na rin sila mag-order. Habang niluluto ang mga order nila, bigla ako napaluha, hindi ko alam bakit at pagtingin ko sa pamilya ko pati sila napapaluha na. . Ayun pala, yung katas ng bawang ay sobrang tapang dahil yung mga pagkain ay linuluto sa harap namin at umaabot ang katas ng bawang sa mata namin. . Lesson learned: sasunod siguraduhing malakas ang exhaust :D

Wednesday, August 27, 2008

Coming Soon For 2008

Pagkatapos ng dalawang taon ng hindi nagsusulat. . malapit na :D

- surveys
- highlights and lowlights
- kwento-kwento

and more :D

Friday, August 25, 2006

Maling Akala

Kamakailan lamang naalala ko ang mga pangyayari na napagkamalan ako bilang Koreano o G.I.( genuine intsik). Unang beses ko naranasan ito noong pumunta ako sa Makati noong huling taon upang maghanap ng sponsor para sa ACIL week. Kinakailangan kong pumunta sa Makati upang ibigay ang mga dokumento na pag-aaralan ng kompaniya. Hindi ko alam paano pumunta sa gusali doon sa Makati, ang nalalaman ko lamang ay paano mag commute papuntang Makati. Nagsimula ang aking biyahe sa bahay, nag tryk ako hanggang Broadway pagkatapos sumakay ako ng LRT hanggang Araneta-Center Cubao. Pagkadating sa Cubao, sumakay naman ako sa MRT hanggang Ayala... Dito ako napagkamalang Koreano.

Bumaba ako sa istasyon at nagtanong sa guwardiya kung paano pumunta doon sa patutunguhan ko (paumanhin, hindi ko na maalala kung ano ang eksaktong address ng lugar). Sabi ng guwardiya na madali lang makarating sa patutunguhan ko, kailangan ko lamang sumakay ng dyip. Noong panahon na iyon, hindi pa ako marunong mag dyip kaya nag taxi na lamang ako. Malakas ang swerte ko at nakatagpo ako agad ng taxi, pagkapasok ko binanggit ko ang patutunguhan ko ngunit iba ang sinasabi niya... Hindi kami nagkakaintindihan. Habang nakasakay, bigla niyang naalala kung saan ko nais pumunta at sa puntong iyon sinabi ko na doon nga ako pupunta.

* Habang nasa taxi ako, ang mga salita na ginamit ko lamang ay ang patutunguhan ko, at ang linggwahe na ginagamit ng driver ay english*

May narinig akong hingang malalim na malakas na nanggaling sa driver, habang nakasakay ako sa taxi, akala niya Koreano ako kaya talagang sinusubukan niyang mag english para magkaintindihan kami. Inamin niya sa akin na dumudugo na ang ilong niya sa kaka english buti na lang at hindi ako koreano.

Noong Huwebes naman, napagkamalan akong isang G.I.

Binalita sa akin ng magulang ko na kakain kami sa EDSA Shang dahil malapit na mag expire ang membership kaya susulitin na namin. Galing ako sa gym noon para marami ako makain. Nagcommute nanaman ako papuntang Shang, at dahil alam kong sasakay ako ng MRT naka bihis gym ako noong nakarating ako sa Shang. Na astigan ako pagdating sa Shangrila Plaza. First time ko nakakita ng inspection na ginagamit ang K-9, pinapa amoy na nila sa aso ang bag. Anyway, pagdating ko sa EDSA Shang nagbihis na ako. Nung patapos na ako magbihis, naghugas ako ng kamay at mayroon akong nakasalubong na tao, nag ingles siya "are you chinese?", tumingin lamang ako. Bigla niya sinabing "ni hao ma?", at sinabi ko naman, "marunong ako magtagalog". Akala niya siguro mukha akong G.I. . . .

Quote for the Day:
Be who you were born to be, live the way you were meant to live.

Wednesday, July 26, 2006

Crush

Napansin ko na kamakailan lang, napag-usapan namin nina eds, joana, carlos at bodi ang tungkol sa crush. Dati, may set of definition na ako para dito pero ngayon umiba nanaman ang pananaw ko tungkol dito. Marahil dati, tingin ko sa crush ay: yung tipong masarap tingnan, hindi makausap pagkasama, out of your league etc. Well, naiba na yan ngayon dahil for some reason kaya ko na kausapin iilan sa mga crush ko hehe. Ang napansin ko lang ngayon e mayroong degrees ang crush. Isipin na lang natin na parang may aura sila. May ibang aura na sobrang tindi at hinding hindi mo makakausap yung crush mo. Yun lang yun actually.

Quote for the Day
Walang shy shy, kailangan strong

Thursday, June 01, 2006

the new refined definition so far...

according sa new refined definition on love ang current description dito is:

1. maganda na nga ang mundo lalo pang gumaganda.
2. kung malungkot ka at nakausap mo siya, unti-unting gumaganda ang araw muli.
3. hindi siya parang crush na maganda lang tingnan( balik sa #1)
4. kung malungko siya, malungkot ka rin

at yan na muna ang new refined definition on love according to dar... hanggang sa sunod kung may mga bagong definition o refining...

Quote for the Day:
love is when the entire world seems enveloped by darkness, then out of nowhere a light can be found shining and right there standing is the person your looking for.